Itlog Ni Topacio

Matinding pangyayari, ang usap-usapan.
Sa iniirog ko, at sinisintang bayan.
Mga mandaraya daw, ang dating pamahalaan.
Na babae ang nanguna, pangulo ng bayan.
Ipagtanggol ang sarili ay karapatan ko,
Yan ang isipin ng pamilyang Arroyo
Kaya naman nag isip, kumuha ng abogado.
Ladies and Gents, Si Atty. Ferdinand Topacio.
Ang akusado ngayon, nakasilip ng pag-asa
Pagkat kaso nila, pwede nang maidepensa.
Sa UE graduate sa kursong abogasya
Noong 1992 nagkaroon din ng lisesnsya.
Ang abogadong ito, mukhang matalino naman
Sa kanyang biography, dami nang karanasan
Kaya Arroyo ay umaasa sa kanyang kakayahan.
Na makakaiwas sila, sa nagbabantang kulungan.
Talagang kakabilib, itong si Atorni.
Pag harap sa media, dami nasasabi.
Magsusumbong daw sila, doon pa sa SC
Sa nararanasan nilang mga pang-aapi.
May katapangan pala itong maliit na tao,
Aputol ang kamay, indi atakbo,
Ganyan katapang, Si Gat Andres Bonifacio
Kalahi ata sila ni Atty. Topacio.
Mantakin mo ba naman, sa dami ng igagarantiya.
Ang freshsly layed egg pa ang kanyang ipinusta.
Kapag di daw bumalik ang kliyente niya
Mula sa pagpapagamot sa ibang bansa.
Atty. Topacio, ano ba yang itlog mo?
Pwedeng pang garantiya, gawa ba sa ginto?
Itlog na lumalambitn, ihahandog sa Pilipino?
Bilang kapalit sa kalayaan nila Arroyo?
Hmmmmm,,, Dating FG, tanungin mo iyong asawa
Ang itlog ni Topacio, ganun ba kahalaga?
Mula sa ibang bansa, babalik pa siya.
Para itlog ni Topacio, hindi mangawawa.
GMA, anong meron sa itlog na yan.
Na ipinangpupusta sa iyong pangalan.
Itlog na mahalaga ba sau ang bagay na iyan.
Na lakas loob si Atty, na tiyak mong balikan.

Itago mo na lang ang Magical Egg mo
Anong pakinabang niyan, ng sambayanang Pilipino.
Hustisya ang kailangan at ilabas ang totoo.